Oasis 2020: Pagbabalik-Tanaw
Pangkalahatang Pananaw
Balikan natin at isa-isahin ang mga nagawa ng Oasis Community sa taong 2020.
- Ang Oasis Network ay nailunsad at tinanghal bilang isa sa pinakamabilis na Layer 1 sa taunang report ng Electric Capital.
- Maraming mga proyekto ang inilunsad ng mga kompanya kagaya ng Nebula Genomics, the BMW Group, Binance CryptoSafe Alliance, at marami pang iba sa pamamagitan ng Oasis platform.
- Naki-partner din ang Oasis Foundation sa maraming mga DeFi na proyekto upang maging posible ang privacy-enabled open finance namga aplikasyon sa Oasis Network.
- Pagkatapos ng pinasiglang testnet, ang Amber Network gayundin and Oasis Network ay nagsimula sa taong 2020. Ang upgrade ay naisagawa ng mababa sa 30 segundo lamang at ang network ay mayroon ng mahigit sa 1.1M signed blocks.
- Ang komunidad ay nagkaroon ng lumaki ng lubusan sa taong 2020 sa ilalim ng mga programang Oasis ROSE Garden na nagbigay daan sa karagdagang 6.7K bagong wallet holders sa network at ang Community Cup na nagbigayan ng gantimpala na umabot sa 146K tokens sa mga nanalo.
Isang Pinagpalang Taon
Ang taong 2020 ay nagbigay daan ng higit pang pagsulong sa Oasis Network at sa komunidad ng Oasis na siyang nagtayo nito. Ang mga balita tungkol sa Oasis Network ay kinubrehan ng 40 kompanya ng crypto media gaya ng Cointelegraph, Coindesk, at ng The Block. Ang mga nasabing kompanya ay naglathala tungkol sa Oasis Network bilang isa sa pinakamabilis na Layer 1 sa taunang report ng Electric Capital.
Sa mga nabanggit na mga partnership, ang paglulunsad ng programa sa Unibersidad sa blockchain, ang matagumpay na paglalabas ng Mainnet, ang taong 2020 ay nagbigay-daan sa mahahalagang pagsulong na kritikal para sa pagtupad ng mga layunin ng kompanya para sa pagbuo ng privacy-enabled blockchain platform. Pero higit pa roon, nagbigay-daan ito para sa pasimula ng panibagong paglalakbay at inaasahan namin na muli ay sasamahan niyo kami.
Kaya muli balikan natin ang malalaking mga pangyayari na naging dahilan kung bakit espesyal ang taong 2020 para sa Oasis Community.
Ang Daan Tungo sa Mainnet
Ang The Quest
Sinimulan natin ang taon sa layong ilunsad ang Mainnet. Pinasimulan natin sa pamamagitan ng The Quest, isang 4-buwan na staking competition na dinisenyo para sa stress-test ng Oasis Network bago ang paglulunsad nito. Nagbigay-daan din ito para sa komunidad na magbigay ng feedback sa inisyal na disenyo ng Network. Ang mga kalahok ay binigyan ng premyo matapos makompleto ang mga hamon kagaya ng pagpirma sa pinakamaraming blocks, pag-alam ng pinakamabisang atake, pagiging laging handa, at iba pa. Ang The Quest ay sinalihan ng 400 node operators na tumanggap ng gantimpalang mahigit sa 12M ROSE to 70+ na mga kalahok. Ang programa ay naging malaking tagumpay at nagbigay-daan din upang masubok ang Oasis Network ng patiuna bago ang paglulunsad.
Ang Amber Network
Sa pagkakumpleto ng The Quest, inilunsad ng komunidad ang Oasis Amber Network noong nakaraang Hunyo. Ito ang kauna-unahang Mainnet na inilabas at napakahalaga sa paglalabas ng Mainnet. Ang Amber Network ang nagpaging-posible para sa mga Node operators na pasimulan ang pagsasaayos ng setup patungo sa Mainnet at nagbigay daan din para sa grupo na magsagawa ng panghuling pagsusuri bago pasimulan ang proseso ng paglulunsad sa Mainnet.
Sa Wakas ang Mainnet!
Tinapos natin ang taon sa isang malaking Bang! Sa pamamagitan ng pinakamalaking pangyayari- Ang Mainnet. Pagkatapos ng maraming taong pagsisikap, nagawa ng Oasis Community na inilunsad ang kauna-unahang privacy-enabled, scalable blockchain para sa pribadong DeFi at Data Tokenization. Ang Mainnet ay umarangkada sa loob ng humigit-kumulang 30 segundo na may 70 natatangi at independent validator nodes na aktibo sa Network. Noong 12/15, ang Network ay mayroon ng 1.1M signed blocks na may average block time na mas mababa sa 6 segundo.
Isa sa may Pinakamabilis na Pagsulong sa Komunidad ng Blockchain
Ang pundasyon ng blockchain ecosystem ay ang mga developers na gumagawa ng mga apps sa network. Noong 2020, habang papalapit ang paglabas ng Mainnet, ang Foundation ay naglunsad ng mga bagong programa at events na dinisenyo para tulungan ang mga developer na makapagsimula. Kasama rito ang pagbibigay ng mga grants sa mahigit 30 mga bagong proyekto sa ilalim ng aming DevAccelerator & Grants Program, paggawang kasama sa mga lider ng industriya para isama ang teknolohiya ng blockchain sa kanilang saklaw, at pag-anunsiyo ng maraming panibagong pagsososyo sa mga bagong proyekto sa DeFi. Ito ay nagresulta sa pagkakasama ng Oasis bilang isa sa pinakamabilis na layer-1 protocols sa taunang report ng Electric Capitals.
Ito ang ilan sa mga halimbawa ng mga kapana-panabik na mga proyekto na nilikha sa Oasis Platform:
Binance CryptoSafe Alliance: Patuloy na tumataas ang bilang ng mga pagnanakaw at pag-atake sa crypto, at ang mga exchanges at nangangailangan ng platform para kilalanin at i-ban ang mga sangkot dito. Ang CryptoSafe Platform ginawa ng Oasis Labs at Binance para gawing posible sa mga exchanges na magbahaginan ng mga intellegence data para sa mga bantang ito. Sinusuportahan ng Oasis Network ang confidential compute kaya naging posible na gawing confidential ang mga data ng exchange habang isinasagawa ang pagsusuri. Ang taong 2021 ay magiging malaking taon para sa CryptoSafe Alliance. Patuloy kaming gagawa ng mga hakbang para sa pagsulong sa pamamagitan ng partnerships na makakatulong para masawata ang mga banta at mapanatiling ligtas ang mga transaksiyon sa crypto. Manatiling nakatutok para sa higit pang mga kapana-panabik na pagbabago.
Nebula Genomics: Nais ng Nebula Genomics na mapaiba ang kanilang mga produkto sa kanilang mga kakompetensiya sa pamamagitan ng pagbibigay ng kontrol sa kanilang users ng kanilang genetic data. Sa paggamit ng Oasis framework, pinapangyari nito na panatilihing pagmamay-ari ng mga customers ang kanilang genomic data at nagagawa ng Nebula Genomics na gumawa ng pag-analisa sa mga data na hindi nakokompromiso ang raw information ng customer.
Ang BMW Group: Ang Oasis Labs kasama ang BMW Group ay nasa paunang estado ng proyekto sa makabagong solusyon para sa privacy na naglalayong itaas ang differential privacy at magtakda ng mga bagong pamantayan sa responsableng paggamit ng mga data sa industriya ng automotive.
Ang Kasunod na Henerasyon ng DeFi
Sa paglalaan ng end-to-end confidentiality sa Blockchain, ang Oasis Network ay nagbigay-daan sa mga bagong at kapana-panabik na paggamit ng DeFi. Mula sa under-collaterized lending hanggang sa preventing front/back running, ang Oasis Network ay makakatulong para palawakin ang DeFi sa mga traders at early adopters sa pangunahing merkado.
Sa taong 2020, dinoble namin ang amin pagsisikap para higit pang palawigin ang Oasis Network DeFi ecosystem, maglunsad ng mga bagong proyekto sa gamit ang DeFi sa mga nangungunang produkto kagaya ng Meter, Chainlink, Balancer, at iba pa. Sa taong 2021, mas higit pa naming dodoblehin ang aming pagsisikap, patuloy ng pag-anunsiyo ng mga bagong partneships sa mga kilalang pangalan at mga kapana-panabik na mga resulta.
Madaling DApp Development sa BSN
Noong nakaraang Nobyembre, inilunsad namin ang integration sa BSN, isang pampublikong istruktura na network para sa cross-platform DApp development. Sa tulong ng BSN developers, nabigyan ng set ng development tools para maging mas madali ang paglikha ng mga baong aplikasiyon at privacy-first tooling sa Oasis Network sa abot-kayang halaga. Ang mga partnership na kagaya nito ay bahagi ng patuluyang pagsisikap para sa mabilis na pagsulong ng Oasis Network at abot-kaya ng mga developers.
Ang Oasis-Eth Hackathon
Noon nakaraang Oktubre, kami ay ang nag-host sa Second State Hackathon sa layong higit na makatulong na maipakita ang bagong karagdagan sa Oasis-Eth ParaTime sa Oasis Network. Mahigit 3K smart contracts ang inilabas at mahigit 700 apps ang nagawa, naging malaking oportunidad ang hackathon para sa mga developers para subukin ang malakas, at bagong Oasis-Eth Paratime na ganap na paurong na katugma sa Ethereum, pero mas mahusay at mas mababa ang gas fee.
Ang The Quest for ROSE
Hackathon
Kami rin ay naging co-host ng Quest for Rose hackathon sa Gitcoin noong Nobyembre kung saan ang mga developers ay nagpaligsahan sa mahigit $11K na premyo para sa paglikha ng privacy preserving apps sa Parcel SDK at Ethereum compatible Apps sa Oasis-Eth ParaTime by SecondState. Nakagawa ng mga kapana-panabik na bagong app ang mga nagwaging proyekto. Puwede mong tingnan dito.
Staking sa Oasis Network
Sa paglunsad ng Mainnet, hindi lang ito lumikha ng mga tokens bagkus nagbigay-daan din ito para sa mga miyembro ng komunidad ng pagkakataon para sumali network at mag-stake ng kanilang tokens. Hindi lang dumarami ang mga delegado ng Oasis Network sa pamamagitan ng mga programa kagaya ng ROSE Garden, lumago rin ang ecosystem wallets at staking tools ngayon sa ilalim ng Ledger, Bitpie, Anthem from Chorus One, and the RockX wallet. Kung ikaw ay interesado sa staking, maari mong bisitahin ang Token Economics primer para sa higit pang impormasyon.
Isang Malaking Komunidad ang Nagbigay-Daan Para sa Oasis Network Adoption
Sa taong 2020 nakita natin ang kahanga-hangang paglago sa Oasis Community at ecosystem. Ang Oasis Community ay nag-host ng maraming bilang ng mga AMA’s sa aming Telegram channel at dumalo sa mahigit 50 event kasama na ang Consensus San Francisco Blockchain Week, Responsible Data Summit at marami pang iba.
Ang Oasis ROSE Garden
Noong Oktubre inilunsad ang ROSE Garden on CoinList na nagdagdag ng 6.7k na mga baong wallet holders sa Oasis Network. Ito ang kauna-unahang programa na dinisenyo para gawing mas madali para sa mga miyembro ng Oasis Community na magkaroon ng access sa ROSE token at bigyan ng insentibo ang mga token holders upang gawing ligtas ang Oasis Network sa pamamagitan ng pag-stake kasama ng mga validators. Habang isinasagawa ng ROSE farm, ang mga kalahok ay nakapaglaan ng kabuoang $2,000 in USDC o USDT sa locked pool at ito ay may katumbas na Total Value Locked sa ngayon na $10.5M. Sa pamamagitan din ng programa, nagkaroon ng karagdaang mahigit sa 3,000 delegado mula sa mahigit 100 bansa bilang bahagi ng ROSE Cultivate.
Ang ROSE Garden ay isa sa mga matagumpay na proyekto ng Coinlist, isang patunay ng pagsuporta sa Oasis Network at isang senyales ng higit pang mga lockup programs sa hinaharap.
Ang Oasis Community Cups
Kasabay ng mga event na ito, ang Oasis Protocol Foundation ay nagpasimula ng iba’t-ibang mga programa na inilaan para makatulong sa higit pang paglago ng Oasis Network. Kami ay nag-host ng mahigit 7 linggo ng Community Cup na paligsahan at nagbigay ng premyo komunidad sa kanilang malikhaing mga kontribusyon sa ecosystem. Ang paligsahan ay may mahigit 4.5K na mga kalahok na tumanggap ng tokens at may 88 mga nanalo. Kung nais mong maging bahagi ng progama at kumita ng ROSE tokens, sumali ka sa aming Telegram channel upang maging updated sa mga bagong paligsahan ng Community Cup.
Ang Oasis University Program
Inilunsad din ng Foundation ang Oasis University Program. Mayroon itong mahigit 25 na mga universidad kasama na ang mga university clubs at ito ang pinakamalaking programa sa kanyang kategorya. Isa rin magandang paraan para sa mga estudyante na makapagsimulang paganahin ang mga nodes at gumawa ng mga DApps sa Oasis Network.
Ang Oasis Ambassador Program
Bilang pagsusuma, pinasimulan ng komunidad ang Ambassador Program kung saan ang mga masikap na mga boluntaryo sa Oasis Network ay nagsasagawa ng mga meetups, gumagawa at nagsasalin ng mga sulatin, sumasagot sa mga katanungan mula sa mga developers, nagmamatini ng mga komunidad sa online, nagsasagawa ng stress test sa Oasis Network at iba pa. Ang mga masikap na grupo na may mahigit sa 100 ambassadors ay patuloy na lumalago sa buong mundo kabilang na ang Bangladesh, France, Vietnam, India, Brazil, Korea, Nigeria, Philippines, Russia, China, South Korea, Turkey, at marami pang iba.
Pagbabahagi ng aming Adhikain
Sa taong 2020 ibinahagi namin ang aming adhikain na palawakin ang blockchain sa mga early adopters sa pamamagitan ng bagong paradigm na Data Tokenization. Sa pamamagitan ng tokenized data hindi lang mapapalawig ang mga gamit ng DeFi na magtataguyod ng mas sensitibo, real world data, kung hindi magbibigay kapangyarihan sa bawat indibidwal na magkaroon ng mas mahusay na pagkontrol kung paano ginagamit ng mga aplikasyon ang kanilang mga data at mga korporasyon na gumawa ng mga ito.
Inilunsad din namin ang konsepto ng aming seminal paper “Blockchain 3.0 — Secure Data Tokenization”. Sinasalaysay ng manifestong ito kung paanong ang smart contracts kasama ang confidential compute ay makakagawa ng mga programmable data rights, isang bagong abstraction na naniniwala kaming makakatulong sa pagbago ng teknolohiya ng blockchain sa mga early adopters at traders patungo sa pangunahing merkado.
Mga Aabangan
Hindi pa ito ang dulo ng paglalakbay sa halip ang panimula ng Network na inaasahan naming huhubog ng DeFi, magpapalawig ng teknolohiya ng blockchain tungo sa mga early adopters, na nagpabago ng aming pananaw kung paano namin pinahahalagahan at ibinabahagi ang aming personal data. Ang mga pagsisikap na yan ay magsisimula ngayong 2021 — ang taon ng mga panibagong panimula.
Upang tulungan kami, kailangan namin ng mas maraming mga ideya, mga privacy advocates, at mga naniniwala sa decentralized para manguna sa panibagong puwang ng tokenized data at pribadong DeFi. Nangangailangan kami ng mga developers upang pasimulan ang paggawa ng privacy first-applications, kailangan namin ang bagong henerasyon ng mga blockchain enthusiasts na magbabahagi at tutulong upang hubugin ang Oasis Network sa mga darating pang mga taon. Kung sa tingin mo ikaw ang hinahanap namin, sumali na sa aming komunidad ngayon at tulungan kaming isakatuparan ang panibagong yugto ng blockchain.
Telegram English Group | Telegram PH Group | Telegram Channel | Website Oasis Protocol|Website Oasis Labs| Twitter Oasis Protocol| Twitter Oasis Labs| Medium Oasis Protocol|Medium Oasis Labs | Github | Slack | Discord|Youtube
Abiso Ligal: Ang artikulong ito ay aking pagsasalin bilang isang Ambassador ng Pilipinas sa Oasis Labs. Upang mabasa ang orihinal na nilalaman, bisitahin ang: The 2020 Oasis Roundup